Laruang Kotse - maikling kwento | Saranggola Blog Awards
Naalala ko ang nakababata kong kapatid. Si Lyka. Sa edad na anim ay parang matanda na siya magsalita. Matanong , makutata at makulit. Napakainosente ng kanyang mga ngiti , nakakahawa ang kanyang tawa at minsan nakakainis din ang atungal niya kapag hinahataw siya ni tatay ng palo sa puwit.